ANG BATAS
NA NAGTATAKDA AT NAGTATADHANA NG KODIGO SIBIL NG PILIPINAS.
Maitakda
ng Senado at ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ng Pilipinas, na nagkakaktipon
–
PANG-UNANG
PAMAGAT
KABANATA
1. TALAB AT APLIKASYON NG MGA BATAS.
Artikulo 1. Ang Atas
na ito ay kikilalanin bilang ang “Kodigo Sibil ng Pilipinas.”
Artikulo 2. Ang mga batas ay magkakabisa matapos ang labinlimang araw kasunod ng kanilang pagkakalathala sa Official Gazette, o sa anumang pahayagan na may pangkalahatang sirkulasyon sa Pilipinas, maliban kung itakda ang kasalungat.
Artikulo 3. Ang kamangmangan sa batas ay hindi dahilan upang hindi ito tupdin ng sinuman. (Hindi maaaring gawing dahilan ng sinuman ang kanyang kamangmangan sa batas upang ito ay hindi matupad.)
Artikulo 4. Ang mga batas ay di maaaring magkaroon ng paatras (o pabalik) na aplikasyon, maliban na kung ang kasalungat ay itadhana.
Artikulo 5. Ang mga akto (acts) na isinagawa nang taliwas sa probisyon ng mga batas-pansapilitan o mga batas na nagbabawal ay walang bisa, maliban lamang kung pinahihintulutan ng batas ang kanilang bisa.
Artikulo 6. Ang mga karapatan ay maaaring isuko, maliban kung ang pagsuko ng karapatan ay labag sa batas, kaayusang pambalana, panuntunang pambalana, moralidad, o mabubuting kaugalian, o kung makapapahamak sa ibang panig na may karapatan na kinikilala ng batas.
Artikulo 7. Ang mga batas ay malilipas lamang ng mga susunod na batas, at ang di-paggamit, kaugalian o gawaing salungat sa mga batas ay di maaaring gawing dahilan upang ang mga ito ay labagin o hindi tupdin.
Kung pagpasyahan ng mga hukuman na ang batas ay di sumasang-ayon sa Saligang Batas, ang batas na yaon ay mapapawalang bisa at ang Saligang Batas ang mananaig.
Ang mga atas pang-administratibo o pang-ehekutibo, kautusan, at regulasyon (panuntunan) ay magkakabisa lamang kung ang mga ito ay hindi salungat sa mga batas o sa Saligang Batas.
Artikulo 8. Ang mga pasyang panghukuman na nag-aaplay o nagpapaliwanag sa mga batas o sa Saligang Batas ay magiging bahagi ng sistemang panglegal ng Pilipinas.
Artikulo 9. Walang hukom o hukuman ang tatangging maggawad ng hatol dahil lamang sa katahimikan, kalabuan o kakulangan ng batas.
Artikulo 10. Kung magkaroon ng pagdududa sa pagpapaliwang o pag-applay ng batas, ipinagpapalagay na ninais ng lehislatura na mangibabaw ang karapatan at katarungan
Artikulo 11. Ang mga kaugalian na sumasalungat sa batas, kaayusang pambalana, o panuntunang pambalana ay hindi kukunisinthin.
Artikulo 12. Ang kaugalian (kustombre) ay dapat mapatunayan na katunayan, ayon sa panuntunan ng ebidensya.
Artikulo 13. Sa tuwing mababanggit sa batas ang mga taon, mga buwan, mga araw o gabi, mangangahulugan na ang mga taon ay may tatlong daan, animnapu’t limang araw; ang mga buwan ay may tatlumpung araw; ang mga araw ay may dalawampu’t apat na oras; at ang mga gabi ay mula takipsilim hanggang bukang liwayway.
Kung ang mga buwan ay
tumutukoy ayon sa kanilang pangalan, bibilangin ang dami ng kanilang araw ayon
sa kanilang tinataglay na bilang.
Sa pagkuwenta ng peryodo, ang unang araw ay hindi isasama at ang huling araw ay isasama.
Artikulo 14. Ang mga batas-kriminal (nagpaparusa) at yaong may kinalaman sa saguridad at kaligtasang pambalana ay mapapatupad sa lahat na namumuhay o naglalakbay sa teritoryo ng Pilipinas, alinsunod sa prinsipyo ng pampublikong batas-internasyunal at sa mga kasunduang napapalood sa mga tratado.
Artikulo 16. Ang mga ari-ariang real, pati na rin ang mga ari-ariang personal ay saklaw ng batas ng bansa na kanilang kinaroroonan.
Gayunpaman, ang pagmamanang legal at testamentaryo, hinggil sa orden ng pagmamana at sa halaga ng karapatang magmana, at sa pagkabalidong intrinsic (intrinsiko) ng mga probisyong pantestamento, ay mareregulahan ng batas pambansa ng tao na ang pagpapamana ay nakasaalang-alang, kahit anupaman ang kalikasan ng mga ari-arian, at nang walang pagkiling kahit saanmang bansa matagpuan ang nasabing ari-arian.
Artikulo 17. Ang porma at solemnidad ng mga kontrata, pagpapamana, at iba pang intrumentong pampubliko ay pamumunuan ng mga batas ng bansang pinagsakatuparan.
Kung ang mga nasabing akto ay isinakatuparan sa harap ng mga opisyal ng mga konsulado o diplomatikong tanggapan ng Republika ng Pilipinas na nasa banyagang bansa, ang solemnidad na itinatadhana ng mga batas ng Pilipinas ang siyang imamasid sa pagsasaktuparan ng mga yaon.
Ang mga batas na nagbabawal hinggil sa mga tao, kanilang mga akto o ari-arian, na may layuning kaayusang pambalana, panuntunang pambalana, at mabuting kaugalian ay hindi mapapawalang bisa ng batas o kahatulang iginawad, o ng pagtutukoy o kumbensyon na napagkasunduan sa banyagang bansa.
Artikulo 18. Sa mga paksa na pinamumunuan ng Kodigo ng Komersyo at ng mga espesyal na batas, ang kanilang kakulangan ay pupunan ng Kodigo na ito.
Walang artikulo 15
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDelete