Artikulo 19. Ang bawat tao, sa paggamit ng
kanyang karapatan at sa pagtupad ng kanyang mga tungkulin, ay dapat kumilos ng
may katarungan, ibigay ang nararapat sa iba, at masdin ang katapatan at
kabutihang hangad.
Artikulo 20. Ang bawat tao na, kusang loob o walang ingat na nagsasanhi ng pinsala sa iba nang labag sa batas, ay dapat magbayad-pinsala.
Artikulo 21. Ang sinumang tao na kusang nagsasanhi ng pagkawala o pasari sa iba sa paraan na labag sa moral, mabuting kaugalian, o panuntunang pambalana ay magbabayad para sa kapinsalaan sa iba.
Artikulo 22. Ang bawat tao, bunsod ng gawaing itinanghal ng iba, o bunsod ng anumang kaparaanan, na nakakuha o nagkamit ng isang bagay, sa ikaaabala ng iba ng walang makatarungan o nasasabatas na dahilan, ay magsasauli ng bagay na yaon. (Isasauli ng bawat tao ang anumang bagay na kanyang natamo mula sa iba bunsod ng gawaing itinanghal ng iba, o bunsod ng anumang kaparaanan.)
Artikulo 23. Kahit na ang akto o pangyayari na
nagdudulot ng kapinsalaan sa ari-arian ng iba, ay hindi bunga ng pagkakamali o
kapabayaan ng nasasakdal, ang nasasakdal ay mananagot ng bayad-pinsala, kung
dahil sa naturang akto o pangyayari, siya ay nakinabang. (Kung ang nasasakdal
ay nakinabang bunsod ng akto o pangyayari na nagdudulot ng kapinsalaan sa
ari-arian ng iba, ang nasasakdal ay magbabayad-pinsala.)
Artikulo 24. Sa lahat ng ugnayang
pangkontrata, pangpag-ari-arian, o iba pa, kung ang isang partido ay nasa
dehadong kalagayan dulot ng kanyang pagdedependeng moral, kamangmangan,
karukhaan, kahinaang mental, pagiging murang gulang, o iba pang kapansanan, ang
mga hukuman ay dapat na maging mapagmatyag para sa kanilang proteksyon (kapakanan).
Artikulo 25. Ang mga di-pinag-isipang layaw para
sa kasiyahan o pagpapakitang gilas sa panahon ng masidhing pangangailangan na
pambalana o kagipitan ay maaaring ipahinto sa pamamagitan ng kautusan ng
hukuman sa udyok ng alinmang pampamahalaan o pribadong institusyong
pangkawang-gawa.
Artikulo 26. Dapat irespeto ng bawat tao ang
dignidad, pagkatao, kasarinlan, at kapanatgan ng isip ng kanyang kapwa at ng
ibang tao. Ang mga sumusunod at mga kahalintulad na gawain, bagamat hindi
bumubuo ng krimen, ay magbubunga ng batayang asunto para sa kapinsalaan,
pag-iwas, at iba pag kaginhawaan:
(1) Panghihimasok sa
kasarinlan ng tahanan ng iba;
(2) Pangingialam o
paggambala sa pribadong buhay o ugnayang pampamilya ng iba;
(3) Pang-iintriga na
magdudulot ng pagkawalay sa kanyang mga kaibigan;
(4) Pang-iinis o paghamak
ng iba dulot ng kanyang paniniwalang panrelihiyon, mababang kalagayan sa buhay,
pook ng kapanganakan, depektong pisikal, o iba pang personal na kalagayan.
Artikulo 27. Ang sinumang tao na nagdurusa sa
material o moral na kawalan dahil ang isang lingkod-bayan ay tumatanggi o
nagapapbaya, nang walang patas na dahilan, na tupdin ang kanyang opisyal na
tungkulin, ay maaaring maghain ng aksyon para sa bayad-pinsala at iba pang
kaginhawaan laban sa lingkod-bayan, bukod pa sa anumang pandisiplinang
aksyong-administratibo na maaaring idulog.
Artikulo 28. Ang mga di-patas na kompetisyon sa
mga pang-agrikultura, komersyo, o pang-industriyang pangangalakal o sa paggawa
(labor) sa pamamagitan ng paggamit ng dahas, panggigipit, panlilinlang,
pagmanipula, o anumang di-makatarungan, malupit o mapaniil na pamamaraan, ay
magbibgay-daan sa karapatan na maghabla ng taong napinsala.
Artikulo 29. Kung ang akusado sa isang pag-uusig
na pangkrimen ay napawalang-sala dahil ang kanyang sagutin ay hindi napatunayan
ng walang bahid ng pag-aalinlangan, ang aksyong sibil para sa kapinsalaan para
sa nasabing akto o pagkukulang ay maari pa ring ihain laban sa akusado. Ang nasabing
aksyong sibil ay mangangailangan lamang ng katanggap-tanggap na ebidensya. Sa
mosyon ng depensa, maaaring ipag-utos ng hukuman na ang naghahabla ay magbigay
ng piyansa na sasagot sa kapinsalaan, sakaling ang habla ay mapatunayang
malisyoso.
Kung sa isang kasong kriminal, ang hatol ng
pagsasawalang-sala ay batay sa katanggap-tanggap na pag-aalinlangan, ito ay
idedeklara (ihahayag) ng hukuman. Sa kawalan ng ganoong deklarasyon, maaaring
ipagpalagay mula sa teksto ng pasya kung ang pagsasawalang-sala ay dahil nga sa
gayong batayan.
Artikulo 30. Kapag ang hiwalay na aksyong sibil
ay inhain upang igiit ang pananagutang sibil na nagmumula sa isang opensang
kriminal, at wala pang pag-uusig na pangkrimen ang nasisimulan, habang
nakabinbin ang kasong sibil, ang katanggap-tanggap na ebidensya ay sasapat din
upang patunayan ang akto na inirereklamo.
Artikulo 31. Kapag ang aksyong sibil ay batay sa obligasyon na hindi nagmumula sa akto o kawalang-akto, na inirereklamo bilang krimen, ang nasabing aksyong sibil ay maaaring umusad nang hiwalay sa pag-uusig na pangkrimen, at walang pagsino sa resulta ng pag-uusig pangkrimen.
Artikulo 32. Ang sinumang lingkod-bayan o manggagawa o sinumang pribadong indibidwal, na tuwiran o di-tuwirang bumabalakid, tumataliwas o lumalabag, o sa anumang paraan ay pumipigil o pumupuksa sa mga sumusunod na karapatan at kalayaaan ng ibang tao, ay mananagot ng bayad-pinsala:
(2) Kalayaan sa pananalita;
(3) Kalayaan sa pagsulat sa press o pagpapanatili ng pahayagan na pampublikasyon;
(4) Kalayaan mula sa arbitrary o illegal na pagkakapiit;
(5) Kalayaan sa paghalal;
(6) Kalayaan laban sa pagkakait ng mga ari-arian nang di sumasailalim sa angkop na kaparaanan ng batas;
(7) Ang karapatan sa tumpak o makatarungang kompensasyon kung ang pribadong ari-arian ay kukunin para sa kagamitang pambalana;
(8) Ang karapatan sa patas na pangangalaga ng batas;
(9) Ang karapatan na maging ligtas ang pagkatao, bahay, papel, at epekto laban sa di-makatarungang paghalughog at pagkuha;
(10) Ang kalayaan sa panahanan at pagpapalit niyaon;
(11) Ang kasarinlan ng komunikasyon at pagkalatas-liham;
(12) Ang karapatan na maging kaanib ng mga samahan o kalipunan na ang mga layunin ay hindi labag sa batas;
(13) Ang karapatan na makibahagi sa mapayapang pagtitipon upang ipaabot sa pamahalaan ang mga hinaing;
(14) Ang karapatan na maging malaya mula sa na sapilitang sa anumang anyo;
(15) Ang karapatan ng akusado laban sa malabis na piyansa;
(16) Ang karapatan ng akusado na siya at ang kanyang manananggol ay dinggin, na mabatid ang kalikasan at sanhi ng pag-aakusa laban sa kanya; na magkaroon ng mabilis at pampublikong paglilitis; na makita ang mga saksi nang mukhaa; at magkaroon ng sapilitang proseso na titiyak sa pagdalo ng mga saksi na sa ganang kanya;
(17) Ang kalayaan mula sa sapilitan siyang aktong saksi na labag sa kanyang sarili, o puwersahan siyang paaminin ng kanyang sala; o malansi ng pangakong di-pagkakausig o ng pabuya bunsod ng gayong pag-amin; maliban lamang kung ang taong umaamin ay aktong saksi ng Estado;
(18) Kalayaan mula sa malabis na multa, o malupit at kakatwang pagpaparusa, mliban kung ang mga yaon ay naayon sa batas na hindi pa nadedeklarang labag sa Saligang Batas; at
(19) Kalayaan sa pagpapatuloy ng mga hukuman.
Sa anumang mga kaso na napapaloob sa Artikulong ito, mapa-krimen man o hindi ang akto o di-pagkilos ng nasasakdal, ang naagrabyadong panig ay may karapatan na pasimulan ang isang hiwalay at tukoy na aksyong sibil para sa bayad-pinsala, at iba pang kaginhawaan. Ang nasabing aksyong sibil ay uusad nang bukod sa anumang pag-uusig na pangkrimen (kung ang pag-uusig pangkrimen ay napasimulan na) at mapapatunayan sa pamamagitan ng katanggap-tanggap na ebidensya.
Kapapalooban ng bayad-pinsala ang mga danyos-moral. Ang danyos-pang ehemplo ay maaari ring igawad.
Ang responsibilidad na itinakda ng Artikulong
ito ay hindi maoobliga sa hukom, maliban kung ang kanyang akto o di-pagkilos ay
labag sa Kodigo Penal o iba pang batas-krimen.
Artikulo 33. Sa mga kaso ng paninirang puri, panlilinlang, pisikal na pasakit, ang aksyon sibil, na hiwalay at bukod sa pag-uusig na pangkrimen, ay maaaring idulog ng napinsalang panig. Ang nasabing aksyon sibil ay uusad nang hiwalay sa pag-uusig na pangkrimen at mapapatunayan sa pamamagitan ng katanggap-tanggap na ebidensya.
Kung ang alagad ng batas sa isang siyudad o munisipyo ay tumatanggi o nagpapabaya sa pagbigay ng tulong o paggawad ng proteksyon sa sinumang tao na nasasapanganib ang buhay o ari-arian, ang nasabing alagad ng batas ay pangunahing mananagot sa bayad-pinsala, at ang siyudad o munisipyo ay kahaliling mananagot. Ang aksyon sibil na kinikilala sa Artikulong ito ay hiwalay sa anumang pag-uusig pangkrimen, at ang katanggap-tanggap na ebidensya ay sasapat na upang mapagtibay ang aksyon sibil.
Artikulo 35. Kung ang isang tao na nagsasabing siya ay napinsala bunsod ng isang krimen, ay maghabla sa isang pag-uusig na pangkrimen, kung saan walang nakapag-iisang aksyon sibil ang pinapayagan ng Kodigong ito o ng espesyal na batas, ngunit sa rasonableng pananaw ng juez de paz ay wala namang krimen na nagawa, o kung ang piskal ay tumanggi o nakaligtang magpasimula ng pag-uusig pangkrimen, ang naghahabla ay maaaring magdulog ng aksyong sibil para sa bayad-pinsala laban sa nasasakdal. Ang nasabing aksyon ay mapagtitibay ng katanggap-tanggap na ebidensya. Sa mosyon ng inihahabla, maaring ipag-utos ng hukuman ang paglagak ng piyansa na sasagot sa nasasakdal, sakaling ang habla ay mapatunayang malisyoso.
Kung habang dinirinig ang aksyong sibil, ang
impormasyon ay iprisinta ng piskal, ang aksyon sibil ay ipagpapaliban hanggang
ang pag-uusig pangkrimen ay matapos.
Articulo 36. Ang mga katanungang prejudicial, na dapat maresolba bago pa umusad ang pag-uusig pangkrimen, ay pamumunuan ng Panuntunan ng Hukuman na itatakda ng Korte Suprema. Ang Panuntunan ay hindi dapat sumansala sa mga probisyon ng Kodigong ito.